TV

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, 'Dancing in Tandem' sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Maraming tao ang nage-enjoy tuwing sumasayaw kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

Habang ang iba nama'y nakararanas ng kilig kasama ang kanilang dancing partner.

Pero, paano kung dahil sa pagsasayaw kailangan mamili sa pagitan ng pamilya at pagmamahal?

Ngayong Linggo, kilalanin natin ang mahinhin at magandang si Rica (Julie Anne San Jose) na kakalipat lang sa village ng kaniyang pinsan na si Meg (Louise Bolton).

Dahil bago pa lang siya sa lugar, ipinakilala ni Meg si Rica sa kaniyang dance group. At dito, nakilala ni Rica ang gwapo ngunit minsa'y pilyong si Bien (Rayver Cruz) na taga-kabilang grupo.

Habang nagkakakilala ang dalawa, nalaman ni Rica na kaaway pala ni Meg si Bien. At ito'y isang malaking problema para kay Rica lalo na't magka-away ang dalawang dance group sa isang slot para sa TV audition.

Ngayon, sino kaya ang pipiliin ni Rica? Ang kaniyang pinsan at best friend na si Meg? O ituloy ang kaniyang budding romance kay Bien?

Panoorin ang “Dancing in Tandem” kasama sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Louise Bolton, Yasser Marta, at Rubi Rubi ngayong Linggo sa nag-iisang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya.