TV

Snooky Serna at Martin del Rosario, magtatambal sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Ang makasama ang kaniyang mga anak at apo ang tanging hiling ng mga kababaihan habang tumatanda. Pero paano kung lahat ng miyembro ng pamilya mo ay busy sa kani-kaniyang personal affairs? At paano kung sa personal driver mo pa makuha ang suporta at pagmamahal na hanap mo?

Snooky Serna at Martin del Rosario

Mapag-isa si Madam I (Snooky Serna) kaya naman lagi niyang pinapauwi ang mga katulong na ipinapadala ng kaniyang anak na si Pedring (Ervic Vijandre).

Pero lahat ng ito ay magbabago nang makilala niya si Dodong (Martin del Rosario) - ang mabait pero 'di gaanong katalinong driver niya. Kahit na minsa'y naiirita na siya sa mga pagkakamali nito, nakita rin ni Madam I ang kabaitan ni Dodong nang makitang tinutulungan niya ang isang matandang lalaki na nasa kalye.

Dahil dito, bumukas ang loob ni Madam I kay Dodong. Ngunit napaghihinalaan ito ng kaniyang apo na si Tonya (Kate Valdez).

Paano kaya kung malaman ni Pedring ang pagkakaibigan ng dalawa?

Panoorin ang Mother's Day special episode na “Driver and I” sa nag-iisang comedy anthology sa bansa ang Dear Uge kasama sina Ms. Snooky Serna, Martin del Rosario, Kate Valdez, at Ms. Odette Khan ngayong Linggo, May 12, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!