TV

Thea Tolentino magkakaroon ng secret affair kay Ruru Madrid sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Ika nga nila, masarap ang umibig. Pero mas masarap kung lagi mong nakakasama ang iyong kasintahan sa iisang bahay para lagi kang feeling inspired. Pero paano kung kailangan mong itago ito ng palihim?

Nagtatrabaho sina Maru (Thea Tolentino) at Dennis (Ruru Madrid) sa mansyon na pagmamay-ari ni Madam Alona (Tetchie Agbayani) na tutol sa romantic relationships sa kaniyang mga kasambahay. Ang sino mang 'di sumunod dito ay mawawalan kaagad ng trabaho na ikinatatakot naman nina Maru at Dennis.

Maipaglalaban kaya nila ang kanilang pagmamahal sa isa't isa o itatago nila ito?

Alamin 'yan sa nalalapit na episode na pinamagatang “It's Complicated” kasama sina Thea Tolentino, Ruru Madrid, at Tetchie Agbayani sa Dear Uge, ngayong Linggo, June 2 pagkatapos ng Sunday PinaSaya.