TV

LOOK: 'Dear Uge' wagi sa 7th Kagitingan Awards for Television

By Cara Emmeline Garcia

Nagwagi bilang Pinaka-magiting na Programang Pantelebisyon ang Dear Uge sa ika-7 Kagitingan Awards for Television ngayong hapon, May 29, sa The Plaza Hotel sa Balanga City, Bataan.

Dear Uge

Ang tumanggap ng nasabing award ay si Divine Aucina na gumaganap bilang Devine sa comedy anthology series na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.

Ang iba pang Pinaka-magiting na Programang Telebsisyon ay ang 24 Oras, Alisto, Magpakailanman, My Special Tatay, Investigative Documentaries, Biyahe ni Drew, at Reel Time.

Wagi rin bilang Pinaka-magiting na Personalidad ng Telebisyon si Arnold Clavio para sa Alisto, Maki Pulido para sa Reporter's Notebook, Vic Sotto at Maine Mendoza para sa Daddy's Gurl, at Ken Chan para sa My Special Tatay.

Ang Kagitingan Awards ay iginagawad ng Bataan Peninsula State University (BPSU) na kumikilala sa mga personalidad at mga programang na nagpapakita ng “valor, bravery, and heroism in the form of television shows.”