TV

#DaWho: Sinong love team ang magpapakilig sa 'Dear Uge'?

By Cara Emmeline Garcia

Mukhang bibisita ang love team na #RitKen sa Uge Variety Store!

Sa official Facebook page ng weekly comedy anthology show na Dear Uge, agad-agad na nagpatikim ng kilig sina Rita Daniela at Ken Chan sa fans.

“Magbibigay ng Koreanovela feels ang #RitKen sa #DearUge,” ayon sa Facebook post.

Hindi naman mapigilan ng fans na matuwa at kiligin sa nakita nilang teaser post.

Abangan sina Rita Daniela at Ken Chan sa nag-iisang comedy anthology show sa bansa, ang Dear Uge tuwing Linggo, 2:30 p.m., pagkatapos ng Sunday PinaSaya!