TV

Tambalang #RitKen, magpapakilig sa 'Dear Uge' ngayong Linggo!

By Cara Emmeline Garcia

Guwapo, masinop sa trabaho, at isang charming networking agent si Isko (Ken Chan).

Rita Daniela at Ken Chan

Kaya lang, isa siyang pathological liar na laging nagsisinungaling para makaakit ng kliyente.

Pero ang biggest lie ni Isko ay ang kanyang pagtago ng kanyang feelings para kay Betty (Rita Daniela), ang kanyang longtime crush.

Nang malaman niyang “in a relationship” na si Betty at ang kaniyang best friend na si Troy (Yasser Marta), 'di niya mapigilan mag-daydream at gumawa ng sarili niyang reality.

Subalit, niloloko lang pala ni Troy si Betty.

Nang malaman ito ni Isko, pilit itong ipinapatago ni Troy.

Source: Carlo del Prado Dear Uge

Ano kaya ang mangyayari kung malaman ni Betty na niloloko lang siya ng kaniyang boyfriend? Poprotektahan kaya siya ni Isko?

Alamin ang lahat ng iyan sa nag-iisang comedy anthology sa bansa ang Dear Uge kasama sina Ken Chan, Rita Daniela, at Yasser Marta ngayong Linggo, October 11, sa GMA 7.