TV

Mag-exchange gifts sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Tuwing naririnig ang salitang Pasko, ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang pagbibigyan ng regalo.

Pero paano kung ang gift-giving mas nagiging isang malaking problema kaysa sa isang exciting occasion?

Ito ang nangyari kina Jon at Marcie. May gustong bilhin na regalo si Jon para sa kanyang sarili ngunit alam niyang magagalit lang ang kanyang asawa pag binili niya ito. Ipaglalaban kaya niya ito o hindi?

Isa pa diyan ang magkapitbahay na sina Juana at Chynna na nagkaaway dahil sa pagreregalo. Lagi nilang minamaliit ang regalo ng isa't isa. Makuha kaya nila ang gusto nilang regalo this year o talagang friendship over na ba para sa kanilang dalawa?

Alamin ang lahat ng iyan sa back-to-back Christmas special ng Dear Uge na pinamagatang “The Perfect Gift Daw” kasama sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez at “Monito, Demonyita” kasama sina Liezel Lopez, Faith da Silva, Ms. Snooky Serna, at Ms. Amy Austria.

Gaganapin ang kuwentuwaan ngayong Linggo, December 27, sa GMA-7