TV

Sino ang dream girl ni Gabby Concepcion?

By Cara Emmeline Garcia

Sa darating na April 12, gaganap si Eugene Domingo bilang si Matilda, isang loyal housekeeper sa kanyang amo na sina Roy (Gabby Concepcion) at ang anak nitong si Chrysta (Ysabel Ortega).

Dedicated si Matilda sa kanyang mga amo, lalo na't may secret crush pala siya kay Roy na ngayon ay isang biyudo na pala.

Ano kaya ang gagawin ni Matilda kung makita niyang si Roy na umuwi kasama ang isang escort girl (Valeen Montenegro)?

Alamin 'yan ngayong Linggo, April 12, sa Dear Uge Presents: My Dream Girl kasama sina Gabby Concepcion, Valeen Montenegro, at Ysabel Ortega pagkatapos ng All-Out Sundays.