Nagkaroon ka na ba ng ex na pinagsisihan mong pinakawalan mo pa?
Kilalanin si Charlotte (Jackie Rice), ang babaeng dudurog sa puso ni Marlon (Rafael Rosell).
Kasabay ng proposal ni Marlon ay ang desisyon naman ni Charlotte na makipaghiwalay. Mapanindigan kaya niya ito?
Makalipas ang apat na taon, feeling ni Charlotte ay over na siya sa kanyang ex.
Pero sa pagtatagpo muli ng kanilang landas, aasa si Charlotte na magkaroon sila ng second chance.
Sino nga ba ang hindi gugustuhing makasama si Marlon?
Pero, may ibang babaeng kasama si Marlon. Siya ba ang magiging kontrabida sa pagbabalikan nila?
Abangan ang kuwentuwaang ito ngayong Linggo, December 15, sa 'Dear Uge!'