TV

Wish ni Eugene Domingo na makasama si John Estrada sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia

Isang successful businesswoman si Bernadette (Eugene Domingo).

Natupad na ang pinapangarap niya sa buhay. Pero kahit na natupad na niya ito, may kulang pa din sa buhay niya?

She has no one in her life to share it with. And now, she has limited time to change her priorities because she's been diagnosed with stage 4 colon cancer.

Ginagampanan ni Eugene Domingo si Bernadette ngayong Linggo.
Photo by Carlo del Prado - Dear Uge

Matatandaan ni Bernadette na isang tao lang ang tunay na nagpapasaya sa kanya. Ito ay ang ex-boyfriend niyang si Juancho (John Estrada). Hahanapin ni Bernadette si Juancho to reconnect and relive their past.

Pero, malalaman ni Bernadette na happily married na si Juancho.

Huli na nga kaya ang lahat para kay Bernadette? O baka naman may pag-asa pa siya makahanap ng tunay na pag-ibig.

Ginagampanan naman ni John Estrada si Juancho ang dating kasintahan ni Bernadette.
Photo by Carlo del Prado - Dear Uge

Abangan ang Dear Uge Presents: Wish Me Love kasama sina Eugene Domingo, John Estrada, at Ina Feleo ngayong Linggo, May 17.