TV

Eugene Domingo, ipinasilip ang new normal taping ng 'Dear Uge Presents'

By Dianara Alegre

Ipinasilip ni Kapuso actress Eugene Domingo ang unang taping ng show niyang Dear Uge Presents sa ilalim ng "new normal ng showbiz" nitong Biyernes, July 31.

IAT: Eugene Domingo

Source: eugenedomingo_official (IG)

Sa ipinost niyang video sa Instagram, makikitang sinusunod ng staff at production crew ang bagong protocols alinsunod sa coronavirus disease (COVID-19) precautionary measures na ipinatutupad ng GMA Network.

“Much appreciation for all the staff, crew and artists on our first #dearugepresents taping. We will give you fresh episodes soon. Thank you loyal viewers! #kapitlangkapuso #practicingnewnormal.”

Dahil unti-unti nang nagsisimula new normal taping para sa mga fresh episode ng ilang Kapuso shows, ilang celebrities na rin ang nagbalik-trabaho sa ilalim ng relaxed quarantine protocols.

Matatandaang pansamantala munang itinigil ang lahat ng live shows at tapings ng mga programa upang bigyang-daan ang ipinatupad na community quarantine ng gobyerno bunsod ng COVID-19 pandemic.

Gaya ng inaasahan, muli nang nabubuhay ang showbiz industry.