TV

Chismoso si Jason Abalos sa 'Dear Uge

By Cara Emmeline Garcia

Tampok ang dalawang istorya tungkol sa chismisan ngayong linggo sa Dear Uge.

Ang unang istorya ay tungkol sa isang carwash boy na ang pangalan ay Totoy (Jason Abalos).

May gusto siya kay Candy (Arra San Agustin) kaya naman lagi siyang humihingi ng dating advice kay Paula (Jelai Andres) para ligawan ito.

Sa kasamaang palad, pinapalabas niya sa kanyang mga kaibigan na may nangyari na sa kanilang dalawa ni Candy.

Anong mangyayari kung malaman ni Candy ang mga kinakalat niyang chismis tungkol sa kanya?

Carlo del Prado - Dear Uge

Ang ikalawang istorya naman ay tungkol sa isang housewife (Tina Paner) na naniniwalang niloloko siya ng kanyang asawa na si Anton (Al Gatmaitan).

Maliban diyan, may natagpuan pang necklace ang kanilang labandera na si Linda (Gladys Reyes) at ikinuwento ito sa kanilang mga kapitbahay. Maaayos pa kaya ang relasyon ng mag-asawa?

Gladys Reyes sa 'Dear Uge' / Source: Carlo del Prado - Dear Uge

Panoorin ang mga iyan sa Dear Uge kasama sina Arra San Agustin, Jason Abalos, at Jelai Andres sa "No Kiss, All Tell" at sina Gladys Reyes, Tina Paner, at Al Gatmaitan sa "Chis-Miss Labandera" ngayong Linggo, August 16.