Ano ang kayang gawin ng isang asawa kung sobrang close ni mister kay yaya? Alamin ngayong Linggo, April 23 sa 'Dear Uge.'
Isa na namang exciting na kuwento ang hatid ng Dear Uge ngayong Linggo
Wala na namang yaya ang mag-asawang sina Rico (Zoren Legaspi) at Carmela (Ara Mina)
Ito kasing si Rico ay sadyang yaya magnet kaya't laging napapalayas ni Carmela ang kasambahay nila
Nagbago 'yun nang mag-apply si Monica (Lovely Abella)
Hindi threatened si Carmela dahil hindi kagandahan ang aspiring videoke actress na ito
Pero si Dindin ang babago ng lahat dahil bibigyan niya ng tips sa pagpapaganda si Monica
Napapansin ni Carmela na nagkakaroon ng improvement sa hitsura ni Monica
Hanggang isang araw, nag-fully transform na ito!
Hala, mukhang magiging mas malapit na sina Rico at Monica
Sobrang close yata!
What's your plan Carmela?
Alamin ngayong Linggo, April 23 sa 'Dear Uge'.