Tampok sina Cacai Bautista at Addy Raj sa kuwentuwaan ngayong Linggo, September 24 sa 'Dear Uge!'
Gaganap si Cacai Bautista bilang si Shine, ang ating bidang no poging boyfriend since birth.
Hindi na nga kaguwapuhan ang boyfriend niya, iniiwan pa rin siya.
Pero sabi nga, 'pag may umalis, may higit pang darating. Siya na ba ang para kay Shine?
Sa parehong araw na nakipag-break ang boyfriend ni Shine ay nakilala niya si Francis (Addy Raj).
Sino pa kaya itong mga nakilala ni Shine?
Ayan na nga at mukhang nabuhayan ng pag-asa si Shine!
Mukhang na-fall na talaga ang ating bida kay Francis.
Sino naman kasi ang hindi mabibihag sa kaguwapuhan at kakisigan nito?
May mga hindi nagpapatalo pagdating sa pagka-macho!
Bilib naman kaya ang mga girls?
Sobrang close n'yo naman! Nahulog na ata talaga si Shine kay Francis.
Si Francis na kaya ang unang guwapong boyfriend ni Shine?
Pero, kayanin kaya ni Francis si Shine?
May pa-flowers! Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Abangan kung ano ang kahahantungan ng kuwentuwaang ito sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, September 24.