TV

Eugene Domingo gets birthday surprise on set of 'Dear Uge'

By Jansen Ramos

Sinorpresa ng Dear Uge team ang main star nilang si Eugene Domingo sa set ng programa sa kanyang birthday noong July 23. Ipinagdiwang nila ang ika-50 kaarawan ng batikang komedyante.

Sa video na ipinost ni Uge sa kanyang Instagram account noong July 27, mapapanood na tila nabiktima ng prank ang aktres matapos interview-hin ang guest star na si Lovely Abella habang nasa basketball court kung saan nakatayo ang kanilang mga tent.

Habang naglalakad para ipakita ang set, doon nagsimulang kantahan si Uge ng birthday song ng kanyang mga katrabaho at ini-reveal ang mga inihandang pagkain na nasa isang tent na naka-standby.

"My @dear.uge family ( suppliers, tech people, staff, crew, artists, headwriter @ginamtagasa, EG department) surprises me! 🥳😭🎉😂 tawantawa ako sa bilangan ng handa!

"Thank you ulit malaking bagay po itong lahat!!!"

Nagpasalamat din si Uge sa loyal viewers ng Dear Uge.

"And to our loyal viewers- SALAMAT TALAGA sa hindi pagbitaw at sa pagdami ninyo 😁 Pramis gagalingan pa namin 🤗sabi! Thank you ALWAYS! 💖💖💖," dugtong ni Uge sa kanyang caption.

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official)

Sa comments section ng kanyang post, bumuhos naman ang birthday greetings para kay Eugene mula sa kanyang followers at kapwa celebrities tulad nina Shaira Diaz, Valeen Montenegro, Edgar Allan Guzman, at Lovely.

Simple lang ang birthday wish ni Uge at ito ay "to be wiser and better" ang lahat, ayon sa kanyang hiwalay na birthday post.

Patuloy na subaybayan si Eugene sa Dear Uge tuwing Linggo, 3:45 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.