
Nagbahagi ng good vibes ang mga komedyanteng sina Lovely Abella at Divine Aucina sa kanilang latest live video sa official Instagram account ng GMA Network.
Nakipagkuwentuhan ang dalawa sa avid online followers ng GMA habang nasa set ng Dear Uge.
Mapapanood ang kanilang episode para sa Kapuso sitcom ngayong Linggo, August 15, na pinamagatang '5-6 na, 123 pa.'
Tungkol sa peligro ng pangungutang ang kwentong katatampukan nina Lovely at Divine sa Dear Uge.
Pero sa kanilang IG live, naging galante ang mga aktres.
Dalawa ang masuwerteng nabigyan nina Lovely at Divine ng Php 500 each na ipinadala nila agad via mobile banking matapos masagot nang tama ang kanilang mga tanong.
Ayon kay Divine, treat niya ito sa nanalong follower dahil nagdidiwang siya ng kanyang birthday noong araw na iyon.
Para naman kay Lovely, na isa ring businesswoman at live seller, paraan niya ito para magbahagi ng blessings sa kanyang supporters.
Panoorin ang kanilang IG live dito:
Maliban kina Lovely at Divine, tampok din sa bagong episode ng Dear Uge sina Mark Herras at Ervic Vijandre.
Mapapanood 'yan this Sunday sa ganap na 3:35 p.m. after GMA Blockbusters sa GMA.