TV

Denise Barbacena, tinig sa likod ng theme song ng 'Destined To Be Yours'

By MARAH RUIZ

Si Kapuso singer and actress Denise Barbacena ang napiling umawit sa theme song ng isa sa mga pinakaaabangang serye ng taon na Destined To Be Yours.

Ang titulo ng kanta ay Tadhana, at ito ang official soundtrack ng unang teleseryeng pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza. 

"Thank you GMAAC (GMA Artist Center) family, Destined To Be Yours team for gracing me the opportunity to give life to this beautiful song. A humbling experience," sulat niya sa kanyang Instagram account. 

 

Matatandaang si Denise ang gumanap sa Bubble Gang bilang Yaya Bad, spoof sa Kalyeserye character ni Maine na si Yaya Dub. 

Katambal niya dito si Juancho Trivino, na bahagi na rin ngayon ng Destined TO Be Yours, bilang Albert—spoof naman ng karakter ni Alden. 

Tutok lang sa GMA Network at GMANetwork.com dahil malapit nang lumabas ang official music video ng awit na Tadhana.

Samantala, pakinggan muna ang kanta ni Denise sa eksklusibong OST video na makikita sa DestinedToBeYours.com.ph.

MORE ON DESTINED TO BE YOURS:

EXCLUSIVE: The story behind 'Destined To Be Yours'

Destined To Be Yours: Sulyapan ang opening scene taping ng AlDub