TV

WATCH: Cast ng 'Destined To Be Yours,' hanga kina Alden Richards at Maine Mendoza

By CHERRY SUN

Hanga ang cast ng Destined To Be Yours kina Alden Richards at Maine Mendoza sa galing nilang makisama at pagiging humble.

Napakagaan ng vibes sa set ng Kapuso romantic-comedy drama series. Tulad nina Alden at Maine, bakas na bakas din ang saya sa kilos at pananalita ng ibang cast tulad nina Ms. Janice de Belen, Juancho Trivino, Sheena Halili, at RJ Padilla.

Bahagi ni Juancho sa panayam ng 24 Oras, “Na-enjoy talaga namin kasi maganda na talaga ‘yung samahan namin, nakakapag-bonding kami, nagtatawanan kami nang madalas.”

“I think it’s more the fun that we have 'pag nasa set kami kasi marami na kaming inside jokes na kami lang nakakaintindi,” pahayag naman ni Ms. Janice.

Nang tanungin si RJ kung gaano kasaya ang kanilang samahan, hirit niya, “Usapang how much, siguro mga five million po. Wala po akong masabi kung hindi masaya itong cast na ‘to.”

Puring-puri rin nila ang phenomenal love team.

Ani Ms. Janice, “He’s actually nice, 'tsaka nakikipag-joke around naman siya sa amin.”

Pinatunayan naman ni Sheena na hindi nagbago ang Pambansang Bae sa kabila ng kanyang kasikatan.

“’Yung dating Alden na nakilala ko, ganun pa rin siya. Tapos, mahilig mag-joke, makipagbiruan,” wika niya.

“Generous si Alden. Nagdadala siya ng food for us. Nauubos po namin agad kasi napakasarap, ‘yun mga mangga,” dagdag ni Juancho.

Ano naman kaya ang masasabi nila tungkol kay Maine?

“She’s so unassuming, to think kung ano ‘yung na-reach na niya,” bida ni Ms. Janice.

“Parang 'di niya alam na sikat siya. ‘Yun lang, ‘yun ‘yung nararamdaman ko kapag kasama siya. Parang 'di niya alam na ‘Maine’ siya,” kuwento naman ni Sheena.

At tulad ng kanyang katambal, mapagkumbaba rin daw si Maine.

Ani Juancho, “She is down-to-earth. Masaya siya kasama. Nakikipagbiruan din siya sa amin nang sobra, at hindi siya, walang halong yabang sa kanya kahit konti.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

LOOK: Gardo Versoza, ipinagluto ang baby cupcake niya na si Maine Mendoza

WATCH: Ano ang birthday wish ni Alden Richards para kay Maine Mendoza?

WATCH: Alden Richards and Maine Mendoza Facebook Live Chat Rewind