TV

EXCLUSIVE: Gardo Versoza, ikinagulat ang pagka-mahiyain ni Maine Mendoza

By MARAH RUIZ

 

 

Unti-unting nakikilala ni Gardo Versoza ang kanyang Destined To Be Yours co-star na si Maine Mendoza habang gumanap ang dalawa bilang mag-amang Teddy at Sinag Obispo sa serye.

Kamakailan ipinagluto pa nga niya ito ng kalderetang itik na dinala pa niya sa set. 

READ: Gardo Versoza, ipinagluto ang baby cupcake niya na si Maine Mendoza

Kumportable na sila ngayon sa isa't isa pero hindi raw sila ganito noong simula.

"At first akala ko, umpisa pa lang makulit na eh. May warm up muna kami bago nag-gel na okay na, makulit na," kuwento ni Gardo sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Ang iniisip niya kasing personality ni Maine ay base kasi sa mga napapanood niya noon sa telebisyon at online. Ikinagulat niya na tahimik pala ito at medyo mahiyain. 

"Mahiyain din siya sa umpisa. Pero like normal, pakiramdaman muna. Then after a few scenes, okay na," bahagi ni Gardo. 

Inilarawan din niya ang father-daughter relationship ng mga character nila ni Maine.

"Parang mas hinuhuli niya 'yung loob nung anak niya. Hindi 'yung masyadong parang army type na masyadong kinatatakutan. Ito, parang alam niya na 'yung mga limitations niya," paliwanag ng aktor.

Palagay raw niya, dahil isang artist ang karakter ni Teddy, nadadala nito ang pagiging free-spirited hanggang sa pagiging magulang nito. 

WATCH: Destined To Be Yours: First impressions

"Hindi ko masyadong pinu-push 'yung pagiging tatay sa kanya. Like may mga times na barka-barkada kami so jolly 'yung relationship namin bilang father and daughter," dagdag pa nito.

Abangan ang magiging epekto ng nakaraan ni Teddy sa relasyon nina Sinag at Benjie (Alden Richards) sa Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

EXCLUSIVE: "I think he listens..." - Lotlot de Leon on Alden Richards

WATCH: Cast ng 'Destined To Be Yours,' inilarawan ang AlDub