TV

Ken Chan, kinumpirmang hinalikan si Fabio Ide sa 'Destiny Rose'

By CHERRY SUN

Noong Martes (January 5) ay nangyari na ang isa sa pinaka-inaabangan ng mga sumusubaybay sa hit Kapuso afternoon drama na Destiny Rose. Napanood kasi sa episode na naghalikan ang characters nina Ken Chan at Fabio Ide.

Hindi man tuluyang ipinakita ay kinumpirma naman ni Ken na totoo ang ginawa nilang eksena.

“Ginawa po namin ‘yung kissing scene na bilang isang aktor po talaga,” pahayag niya sa 24 Oras.

“After namin gawin ‘yung scene, parehas kami ng sinabi ni Fabio. Sabi namin, ‘Wow, nakaka-satisfy.’ Nakaka-satisfy bilang isang aktor na gawin ‘yung ganung klaseng eksena dahil hindi po biro bilang sa realidad naman ay lalaki sa lalaki,” patuloy niya.

Muling balikan ang kanilang nakakakilig na eksena:
 

 
Destiny Rose January 05, 2016

#DestinyRose: Napanood n'yo ba ang 'accidental kiss' ni Destiny at Gabriele?Panoorin at kiligin muli:

Posted by GMA Drama on Tuesday, January 5, 2016


Dahil sa effective portrayal ni Ken ay humahakot ng mataas na ratings ang kanyang pinagbibidahang teleserye. Nagpapasalamat din siya na extended ang Destiny Rose dahil dito.

“Sa lahat po ng nagmamahal sa Destiny Rose, dahil po sa inyo kung bakit kami na-extend pa. Supposedly dapat tapos na po kami, pero dahil po sa mataas na ratings na binibigay ng ating mga viewers na-extend po kami,” aniya.

May mga nagpapadala rin sa kanya ng mga love proposals dahil sa husay niya sa pagganap.

Bahagi niya, “’Destiny Rose / Ken Chan, pwede ba kitang ligawan?’ Ganun. Meron pa. Minsan natatawa nalang ako kasi sa bahay hindi naman ako nakaganito (bihis-babae), so pag nakikita kong ‘Pwede ba kitang ligawan?’ ‘Sana ikaw nalang girlfriend ko,’ [natatawa ako].”


Video courtesy of GMA News