TV

Ruru Madrid, gustong magka-girlfriend?


Isang masaya at makulit na Ruru Madrid ang nakapanayam ng GMANetwork.com. Alamin kung ano ang mga naikuwento ni Ruru sa exclusive interview na ito.

Kabilang si Ruru sa cast bilang Charlie Chavez. sa pinakabago at pinaka-aabangan na suspense-thriller series ng GMA tuwing linggo, ang Dormitoryo

“Ako dito si Charlie Chavez. Isa ako ritong nerd na director-photographer na may secret crush kay Hazel na si Lauren Young. Tapos, magkapatid kami ni Enzo na nanliligaw kay Hazel. Maglalaban kami ni Enzo.”

Sa simula ng Dormitoryo, inaalam ang misteryo sa pagkamatay ni Maika. Hindi tiyak kung suicide ba ang nangyari o murder. Inusisa namin ang young Kapuso actor kung sino nga ba ang tunay na pumatay kay Maika.

“Lahat kami suspect sa pagkamatay ni Maika. Ayaw kasi sabihin sa akin ni Direk, kasi gusto nila habang nagtataping kami du’n pa lang malalaman kung sino ang pumatay.”

Si Hazel Mendoza na ginagampanan ni Lauren Young ang pinag-aagawan ng magkapatid na Charlie at Burn Chavez. Katulad ba ng role niya na si Charlie, meron din ba siyang na-experience na love triangle sa totoong buhay?

“Love triangle, kasi marami ‘yung tipong mag-on pa sila, susulutin ko. Marami akong ganun eh, hindi joke lang,” biro niya. “Na-experience ko rin ‘yun pero siguro konti lang, mga dalawa. Sa ngayon, wala na, focus muna sa career.”

Dagdag pa niya,“wala akong love life ngayon. Siguro, focus muna talaga, kasi naniniwala ako sa destiny. Kung kami talaga kami. Kung hindi, hindi. Kung siya talaga, siya.”

Pero gusto niya na bang magka-girlfriend? “Oo gusto ko, kasi matagal na akong hindi nagkakaroon, pero nakakasawa rin maghintay.”

Sa pagtatapos ng aming interview, tinanong namin kung meron ba siyang natitipuhan? “Marami eh pero huwag muna sa ngayon. Siguro, sasabihin ko sa inyo pagka-kami na.”

Mapapanuod si Ruru Madrid bilang Charlie Chavez sa Dormitoryo tuwing linggo.
Also, catch him in Sunday All Stars and Akin Pa Rin ang Bukas. For more updates about Ruru Madrid and your favorite kapuso shows and stars, keep on visiting www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com