TV

Bond with the cast of 'Dormitoryo' online via GMANetwork.com Live Chat!


Mga Kapuso, grab the chance na makipag-bonding sa cast ng Dormitoryo na sina Lauren Young, Joyce Ching, and Enzo Pineda! Get up close and personal with them through the GMANetwork.com Live Chat on Tuesday, December 3, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time).
 
Sa lahat ng mga sumusubaybay sa Dormitoryo, siguradong gusto ninyo na rin malaman ang lahat ng kasagutan sa mga tanong ni Hazel Mendoza, ang character na ginagampanan ni Lauren Young. Mula pa noong pumasok si Hazel sa Holy Spirit Manor dormitory ay mayroon na siyang misyon – ang alamin kung sino ang pumatay kay Maika (Wyn Marquez) na kaniya pa lang kapatid. Malaman na kaya niya ang katotohanan?

Si Enzo Pineda naman ang gumaganap sa character ni Burn, ang ex-boyfriend ni Maika at ngayo’y may love interest kay Hazel. Noong una ay isa siya sa mga suspek sa pagpatay kay Maika at takot na takot si Hazel sa kaniya. Ngunit nang iligtas niya si Hazel nang tangkain siyang patayin ni Rose (Ashleigh Nordstrom) ay medyo naging komportable siya sa kaniya. Pero nang malaman ni Burn na kapatid ni Hazel si Maika ay unti-unti itong dumistansiya sa dalaga. Bakit kaya? Siya ba ang pumatay kay Maika?

Meanwhile, ginagampanan naman ni Joyce Ching ang character ni Airiz. Isa siya sa mga mysterious girls sa dorm na tinutuluyan ni Hazel. Mukhang marami siyang sikretong alam at walang tiwala si Hazel sa kaniya. Pero dahil magka-roommate na ngayon sina Airiz at Hazel, naging close na ang dalawa. Nakuha na ni Airiz ang gusto niya... na makipagkaibigan kay Hazel para mapalapit siya kay Burn. Ano pa kaya ang mga balak ni Airiz?

Ngayong unti-unti nang lumilinaw ang lahat, malaman na kaya ni Hazel ang sikreto ng mga kasama niya sa dorm? O baka naman maging biktima rin siya ng killer? Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng drama-suspense show na Dormitoryo.

Pero bago pa man mabunyag ang katotohanan,  alamin muna  natin ang mga sikreto nila Lauren Young, Joyce Ching at Enzo Pineda sa GMANetwork.com Live Chat ngayong Tuesday, December 3, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time). Just log on to www.gmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.

- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com