What's on TV

WATCH: Paul Salas, ipinasilip ang set ng 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)'

By Jansen Ramos
Published January 8, 2020 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lauv steps back from releasing music due to mental health: 'I'm deeply struggling'
Discover all the classic Lutong Pinoy specials! (Full Episode) | Farm to Table
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang masasabi nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa work ethic ni Paul Salas?

Itinour ni Paul Salas ang kanyang fans sa set ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa pamamagitan ng isang vlog.

Sa serye, gagampanan niya ang karakter ni Marty Talledo, ang snatcher na tinulungan nina Lucas (Dingdong Dantes) at Diego (Rocco Nacino) na makakasama nila sa peacekeeping operations.

Ipinasilip ni Paul sa vlog ang pagiging cool at kwela ng kanyang mga katrabaho sa kabila ng mabibigat na eksena na kanilang kinukuhanan. Nakipagkwentuhan din siya sa kanyang co-stars gaya nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, at maging kay Direk Dominic Zapata at sa staff ng naturang serye.

Pahayag ni Jennylyn tungkol kay Paul, "Napaka-professional nitong batang 'to. Mabait po 'to saka kapag taping, memorize na niya lahat ng linya niya. Napakahusay."

Sa dulong parte ng vlog, ipinakita naman ni Paul ang kanyang ginagawa kapag naka-standby sa taping.

Kung ano ito, panoorin ang vlog below:

LOOK: Paul Salas posts throwback photo with his "tito-ninong" Dingdong Dantes

LOOK: Paul Salas dances to "Always" and other '90s hits