TV

READ: Rocco Nacino bilang Petty Officer Third Class, sasabak sa giyera?

By Dianara Alegre

Nilinaw ni Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) star Rocco Nacino kung ano ang gagampanan niya bilang isang opisyal na Petty Officer Third Class ng Navy reserve, sa ginanap na press conference, kahapon, January 30.

Nang tanungin kung may pagkakataong sumabak siya sa giyera, aniya, “Ibig nilang sabihin as a reservist, is to be one (war soldier). Puwede 'yan, multiplier. Pamparami.

“'Pag acting civilians and being a reservist, is using our tools na alam namin i-apply. Kasi ako, nurse. 'Kailangan namin ng nurse, puwede ka bang tumulong?,' do'n kami papasok. To help in terms of medicine, procedure, tulad ng ginagawa ni Dr. Beauty (Jennylyn Mercado sa Descendants of the Sun).

“'Yun ang ibig sabihin.”

Gaganap si Rocco bilang si Technical Sergeant Diego Ramos, sa Philippine adaptation ng Korean series na Descendants of the Sun, ang seryeng iikot sa istorya ng pag-iibigan ng isang Special Forces captain at isang doctor, sa gitna ng kanilang mga personal at propesyunal na suliranin.

Bibida sa serye sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado na gaganap bilang sina Captain Lucas Manalo at Dr. Maxine Dela Cruz.

Bahagi rin ng inaabangang drama series si Jasmine Curtis-Smith bilang si Lieutenant Moira Defensor, na makakatambal ni Rocco.

Rocco Nacino donned with the rank of Petty Officer Third Class in the PH Navy anew

Jasmine Curtis-Smith proud of Rocco Nacino