
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng GMA, handog ng Kapuso Network ang mas pinadaling pagsubaybay sa kapana-panabik na mga eksena sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) dahil maaari n'yong mapanood ang full episodes nito online!
Simula pilot episode, puwedeng-puwede n'yo nang balik-balikan ang epic love story ng mga karakter na minahal ng buong mundo na sina Cpt Lucas at Dr. Maxine.
Panoorin ang full episodes ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMANetwork.com o GMA Network app para lagi kang updated.
Magiging available ang full episodes nito kinabukasan pagkatapos ipalabas sa telebisyon.
Enjoy watching online, mga Kapuso!