TV

'Descendants of the Sun Ph' pilot episode, top trending sa Twitter!

By Jansen Ramos

Pinag-usapan online ang pilot episode ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) na ipinalabas kagabi, February 10.

Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes

'Descendants of the Sun Ph' pilot episode, inaabangan na ng fans!

Nanguna ang official hashtag nito na #DescendantsOfTheSunPh sa Philippine trends ng Twitter, samantalang nakuha naman nito ang second spot sa worldwide trends.

Base sa tweets ng netizens, ang nakakakilig na chemistry nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, na gumaganap sa papel nina Cpt Lucas at Dr. Maxine, ang nangibabaw na paksa.

Sa kabuuan, umani ng positibong reaskyon ang pilot episode ng local version ng Descendants of the Sun.


Unang episode pa lang 'yan kaya patuloy na subaybayan ang magandang kuwento ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) gabi-gabi, pagktapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

Kung hindi n'yo man ito napanood, maaaring i-stream ang full episode ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app for free.