TV

'Descendants of the Sun Ph' actors play 'most-likely' game via video conferencing

By Jansen Ramos

Naglaro ang cast ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) ng trending game na pinamagatang 'Most Likely To,' kung saan sinagot nila kung sino ang guilty base sitwasyon na ibinigay ng game masters na sina Andre Paras at Chariz Solomon.

Habang nasa kani-kanilang bahay, lumahok sa fun game sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Neil Ryan Sese, Jon Lucas, Carlo Gonzalez, at Ian Ignacio sa pamamagitan ng video conferencing app na Zoom.

Ilan lamang sa mga sitwasyong tinanong ng game masters ay kung sino ang madalas mag-buckle sa lines, sino ang madalas mag-number two sa set, sino ang madalas mag-Facetime, at sino ang madalas may ka-text kapag nasa set.

Panoorin ang nakaaaliw na online video conference ng cast ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) dito:

'Descendants of the Sun Ph' male cast members do group workout via video conferencing