TV

'Descendants of the Sun Ph' stars, naglaro ng 'Bring Me' online?

Naglaro ng trivia game at 'Bring Me' ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) stars sa pamamagitan ng video conferencing app para magbigay-aliw sa kanilang fans na nasa kani-kanilang mga tahanan.

Sinalihan ito nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Neil Ryan Sese, Chariz Solomon, Andre Paras, Lucho Ayala, Prince Clemente, Jon Lucas, Ian Ignacio, at Jenzel Angeles.

Sa unang round, naglunsad ng trivia game si Rocco kung saan si Lucho ang highest pointer.

Base sa mechanics, ang nanalo sa first round ang magbibigay ng consequence sa lowest pointers sa second round, na kung saan ang popular party game na 'bring me' ang challenge.

Ang consequence ay mangyayari sa set ng Kapuso serye kapag nakabalik na sila sa taping.

Sino kaya ang dalawang cast members ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) ang kailangang sumailaim sa consequence?

Alamin sa nakakaaliw na video na ito:

'Descendants of the Sun Ph' male cast members do group workout via video conferencing

#NaRealizaKoNa: Cast ng 'Descendants of the Sun Ph,' ibinahagi ang realizations sa panahon ng ECQ