TV

Dingdong Dantes promises 'DOTS PH' will give off same K-drama vibes once it resumes airing

By Jansen Ramos

Maraming eksena ang naudlot kuhanan para sa Kapuso series na Descendants of the Sun (The Philippine Adaptatation) sanhi ng COVID-19 community quarantine.

Isa riyan ang 'earthquake scene' na isa sa mga kinagiliwang eksena sa original DOTS.

Dala ng banta ng COVID-19, marahil ay marami ang nag-iisip kung mabibigyan ng hustisya ang nasimulang kuwento ng serye dahil malilimitahan ang contact activities at manpower sa pagbabalik-taping nito.

Kaya naman bilang bida ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptatation), hiningan namin ng pahayag si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa isang virtual media conference kamakailan patungkol dito.

"Definitely, 'yung mga natigil sa production, magkakaroon ng challenges 'yan, but again, it's good na we're in creative industry kasi we think of creative things on how to augment that and solve that problem.

"Pero sa mga bagong concepts, maganda kasi the concepts now are going to revolve around the idea na pwedeng post-pandemic. So therefore naka-factor in na lahat ng limitations so creative-wise, medyo hindi siya maapektuhan," paliwanag ni Dingdong, lider ng AKTOR, bagong tatag na samahan ng mga artista.

Sinisigurado naman ni Dingdong na gagawa sila ng paraan para mailahad nang tama ang magandang kuwento ng Descendants of the Sun sa kabila ng pagpapatupad ng health and safety guidelines.

"'Yung Descendants of the Sun, heavy sa action, heavy sa special effects, heavy sa scenes wherein maraming tao.

"So kami, we're in the process on figuring out kung papaano namin maikukwento ito nang hindi maapektuhan kung ano 'yung nakita mo sa umpisa.

"Gano'n pa rin 'yung makikita mo hanggang dulo and we will do that," pagtiyak ni Dingdong, na gumaganap sa papel ni Captain Lucas Manalo o Big Boss,

Nakatakdang bumalik sa telebisyon ang Pinoy Descendants of the Sun bago matapos ang taon.

Katambal ni Dingdong sa serye ang UItimate Star na si Jennylyn Mercado, na gumaganap sa papel ni Dr. Maxine.

Parte rin ng cast ng DOTS Ph sina Jasmine Curtis-Smith, Rocco Nacino, Chariz Solomon, Andre Paras, Paul Salas, Jon Lucas, Prince Clemente, Lucho Ayala, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Nicole Donesa, Jenzel Angeles, Renz Fernandez, Reeze Tuazon, Carlo Gonzalez, at Ian Ignacio.

Sa mga nais panoorin ang aired full episodes ng programa, maaari itong i-stream sa GMANetwork.com at GMA Network app.