TV

Jennylyn Mercado, inspirasyon ang frontliners sa pagganap kay Doc Maxine sa 'Descendants of the Sun PH'

By Jansen Ramos

Thankful si Jennylyn Mercado sa staff, crew, at maging sa kanyang co-stars dahil matagumpay na natapos ang kanilang taping para sa Descendants of Sun (The Philippine Adaptation) sa kabila ng banta ng COVID-19.

Special mention ni Jen sa kanyang Instagram post ang direktor ng serye na si Dominic Zapata, at leading man ng aktres na si Dingdong Dantes.

"Thank you to the brilliant direk Dom and Big Boss @dongdantes who kept me motivated; and thank you to the hardworking staff and crew who helped make it all possible. I have nothing but love and gratitude," ika ni Jen sa post, kalakip ng mga larawang kuha mula sa huling script reading nila ni Big Boss, kasama si Direk Dom.

Ayon pa sa Ultimate Star, malaki rin ang naging parte ng frontliners para mabigyang hustisya niya ang pagganap sa cardio-thoracic surgeon na si Dr. Maxine.

"Hats off rin sa ating modern-day heroes, our frontliners who served as my inspiration para gampanan ang role ko bilang Dra. Maxine," bahagi ni Jen.

Matapos mahinto ang pag-ere noong Marso, mapapanood muli ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa telebisyon bago matapos ang taon.

Sa mga nais manood ng aired full episodes ng programa, pumunta lamang sa GMANetwork.com o GMA Network app.