TV

Lucas and Maxine's date gets cancelled in 'Descendants of the Sun PH'

By Jansen Ramos

Sa pagbabalik ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa telebisyon, muling natutunghayan ang kuwento ng local version ng South Korean drama mula umpisa bilang refresher sa loob ng walong araw.

Sa ikalawang episode ng serye na ipinalabas noong October 27, ang tila aso't pusa na sina Lucas (Dingdong Dantes) at Maxine (Jennylyn Mercado) ay nagkagaanan ng loob.

Dahil gusto pang makilala ni Lucas si Maxine, inaya niya ang doktora isang date pero, sa kasamaang palad, hindi ito natuloy dahil sa trabaho ng binata.


Matatandaang nasuspindi ang produksyon ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sanhi ng COVID-19 quarantine, kaya naman natigil din ang pagpapalabas nito sa telebisyon nang anim na buwan.

Nang ipatupad ang general community quarantine, nagbalik-taping ang serye para kuhanan ang mga naiwang eksena. Ang cast, staff, at crew ay sumailalim sa isang closed group shoot noong Setyembre bilang pag-iingat sa virus.

Ipinapalabas ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptataion) Lunes hanggang Biyernes, 9:15 p.m., sa GMA-7.