TV

Maxine gets deployed in Urdan with Lucas in 'Descendants of the Sun PH'

By Jansen Ramos

Sa pagbabalik ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa telebisyon, muling natutunghayan ang kuwento ng local version ng South Korean drama mula umpisa bilang refresher sa loob ng walong araw.

Sa ikatlong episode ng serye na ipinalabas noong October 28, nagbago ang ihip ng hangin nang malaman ni Maxine (Jennylyn Mercado) ang tunay na propesyon ni Lucas (Dingdong Dantes).

Malaki kasi ang galit ni Maxine sa mga sundalo dahil pinaniniwalaan niyang militar ang nagpahirap sa kanyang kapatid. Kaya bilang respeto sa kanyang pamilya, tinapos na ng dalaga ang kanyang komunikasyon kay Lucas.

Para makalimutan si Lucas, minabuti ni Maxine na sumama sa isang medical mission sa Urdan para maging abala.

Ngunt tila mapaglaro ang tadhana nang malaman niyang makakasama niya si Lucas sa kampo.

Matatandaang nasuspindi ang produksyon ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sanhi ng COVID-19 quarantine, kaya naman natigil din ang pagpapalabas nito sa telebisyon nang anim na buwan.

Nang ipatupad ang general community quarantine, nagbalik-taping ang serye para kuhanan ang mga naiwang eksena. Ang cast, staff, at crew ay sumailalim sa isang closed group shoot noong Setyembre bilang pag-iingat sa virus.

Ipinapalabas ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptataion) Lunes hanggang Biyernes, 9:15 p.m., sa GMA-7.