TV

WATCH: Janine Gutierrez, umaming crush noon si Eric Quizon

By Aaron Brennt Eusebio

Inamin ni Kapuso actress Janine Gutierrez na first crush niya ang director-actor na si Eric Quizon.

Janine Gutierrez

Sa pagsagot niya sa “Firsts and lasts list” ng Unang Hirit, ikinuwento ni Janine na sinabi niya mismo kay Eric na may crush siya rito noong nagkasama sila sa Victor Magtanggol.

“Eric Quizon, na naging tatay ko sa Victor Magtanggol. So, inamin ko sa kanya na 'Tito, actually ikaw yung crush ko noong bata pa ako,” nakakatuwang kuwento ni Janine.

Sinagot niya rin ang tanong kung kelan siya huling umiyak at ano ang unang bagay na binili niya sa kaniyang sweldo.

Alamin ang kanyang mga sagot sa video na ito: