TV

Abangan ang kwento ng swerte, sikap at sumpa sa 'Dragon Lady'

By Bianca Geli

Sa pagpapatuloy ng tradisyon ng GMA Entertainment Group na maghandog ng high-rating telefantasya, inihahandog sa GMA Afternoon Prime, ang Dragon Lady.

Janine Gutierrez and Tom Rodriguez

Tunghayan ang istorya ng mag-ina na sina Almira (Mylene Dizon) at Celestina (Janine Gutierrez) na magkaakibat sa hirap at ginhawa. Si Almira ay matatag, matibay, at matapang na babae na nagtatrabaho sa isang negosyo na hawak ng isang Chinese family. Mapupunta kay Almira ang isang dragon statue na may dalang suwerte.

Kalaunan ay mapapamahal si Almira sa isang Filipino-Chinese businessman. Magbubunga ang kanilang pagmamahalan at isisilang ang kanilang unica hija na si Celestina. Pagkapanganak pa lang kay Celestina, pansin na ang kakaiba niyang anyo. Siya ay pinanganak na may mala-dragon na itsura, na kaniyang ikahihiya at magiging dahilan ng kaniyang pagiging mailap sa tao. Ngunit kahit ganun ang kaniyang itsura, siya ang tinuturing may dala ng suwerte sa buhay ni Almira.

Sa pagdadalaga ni Celestina, nanaisin niyang makalaya at mabuhay ng normal. Makikilala niya si Michael (Tom Rodriguez), isang guwapo at masipag na lalaki. Mapapamahal si Celestina dito, ngunit may tinatago palang malaking sikreto si Michael.

Abangan ang istorya ng suwerte at malas ng matatag na mag-inang Almira at Celestina sa Dragon Lady, malapit na!