
Napabilib ni Kapuso actor at Dragon Lady star Tom Rodriguez si Patrick Capillas, ang captain ng kaniyang sinamahang dragon boat team, ang RCP Sea Dragons.
Sumabak na si Tom sa dragon boat training para sa kaniyang role sa Dragon Lady.
Tom Rodriguez, bida-kontrabida sa 'Dragon Lady'?
"Usually kapag beginner, hirap sa pag handle yung sa rowing arm and lifting arm yung pagsabay.
"Pero for Tom, well infairness, nabilib ako sa kanya kasi kahit ang bilis na ng rate ng pacing namin, nakakasabay pa rin siya,” saad ni Patrick.
Aminado naman si Tom na hirap pa siya ngayon at sumakit ang kaniyang braso
Kuwento niya, "Grabe ang sakit sa braso. And to think na tumitigil ako pag hindi ko na kaya and pag sobrang bilis na, tumatama ako sa ibang sagwan."
Gagampanan ni Tom sa Dragon Lady si Michael Ong, ang kapitan ng isang dragon boat team.
Makakasama ni Tom sa Dragon Lady sina Janine Gutierrez, EA Guzman, Diana Zubiri, Joyce Ching at marami pang iba.
WATCH: Tom Rodriguez, speechless kay Janine Gutierrez
Panuorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa ginawang training ni Tom Rodriguez sa video na ito: