TV

EXCLUSIVE: Joyce Ching, handa na sa mature na role?

By Bianca Geli

Isang mas mature at pang-adult na role ang inaasahan ni Joyce Ching para sa karakter niya bilang Astrid sa GMA Afternoon Prime na Dragon Lady.

Joyce Ching

Kuwento ni Joyce, “Si Astrid kasi parang super spoiled brat, mini-me siya ng mommy niya, si Ms. Maricar de Mesa, hinu-hone niya ako to become like her in the future, medyo masama 'yung ugali at greedy. Ako 'yung pinipares ng family ni Michael (Tom Rodriguez) sa kaniya. Hindi ko lang sure kung gusto rin ng character ko.”

Kahit sanay maging kontrabida si Joyce, ito raw ang pinaka-pang adult niyang role so far.

Aniya, “Sanay naman ako mag-kontrabida kasi sa previous shows na ginawa ko some of them kontrabida ako.

IN PHOTOS: Meet the complete cast of 'Dragon Lady'

“I think 'yung mas paghahandaan ko rito is 'yung pagiging adult kasi 'yung previous shows na nag-kontrabida ako, puro young love mga ganun lang simple crush problems pero ito kasi mas mature.”

Labis na ikinatuwa raw ni Joyce nang malaman na maipapakita niya ang mas mature na pagka-kontrabida sa kaniyang role dahil naging mahirap daw ang pag-transition mula teen to adult roles.

LOOK: Sighting of the mysterious lady in red

“Sobrang happy talaga ako kasi since galing kami sa Tween Hearts ang hirap talaga tumawid sa dalaga roles.”

WATCH: Janine Gutierrez, nag-ikot sa Binondo bilang paghahanda para sa 'Dragon Lady'

Dagdag niya, “In the past tina-try naming gawin 'yun kaso somehow bumabalik pa rin. Magsa-start na mature 'yung role, then bumabalik pa rin 'yung pagiging tween at 'yung pagiging bata. Kaya super happy at excited ako sa project na ito although nasi-stress ako ng konti kasi hindi ako sanay sa ganito ka-mature na roles. Outside siya of my comfort zone which is good din naman para nakakapag-explore and grow ako as an artist.”