TV

Edgar Allan Guzman, makaka-love triangle nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez sa 'Dragon Lady'

By Bianca Geli

Mati-test ang chemistry nina Edgar Allan Guzman at Janine Gutierrez sa nalalapit na GMA Afternoon Prime na Dragon Lady, kung saan mapapanood si Edgar bilang si Goldwyn, isang Filipino-Chinese businessman na magiging boss ng karakter ni Janine na si Celestina.

Edgar Allan Guzman, Janine Gutierrez, at Tom Rodriguez

Kuwento ni Edgar Allan, “Mamaliitin at ibu-bully ko siya [Janine] pero habang ginagawa ko 'yun, nagkakagusto ako sa kaniya.”.

IN PHOTOS: Meet the complete cast of 'Dragon Lady'

Dalawa raw ang love triangle na aabangan sa Dragon Lady, na kabibilangan nina Janine, Tom Rodriguez, Edgar Allan, at Joyce Ching.

“Love triangle with Janine and Tom. For Joyce Ching naman, Janine-Tom-Joyce ang love triangle.”

Edgar Allan Guzman talks about his role in 'Dragon Lady'

Hindi raw nahirapan si Edgar na mapalapit sa kaniyang bagong onscreen pair dahil ilang beses na silang nagkasama nito off cam .

Aniya, “Maraming beses ko na siyang naka-bonding. Noong mini storycon ng Dragon Lady nag-workshop kami tapos nagkasama kami sa wake ng mother ni Rayver [Cruz]. Tapos sinupportahan ko siya sa Elise."

Mapapanood ang Dragon Lady mula ngayong March 4 sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Eat Bulaga!