TV

Celestina meets Michael and Astrid | Ep. 14

By Bianca Geli

Makakatakas na ng kanilang bahay si Celestina (Janine Gutierrez) para puntahan ang kaniyang pamilyang nasa ospital.

Dito magkakasalubong sila ni Michael (Tom Rodriguez) na magugulat sa kakaiba niyang anyo. Magkikita rin ng 'di inaasahan si Celestina at ang girlfriend ni Michael na si Astrid (Joyce Ching). Sa patuloy na pagtakas ni Celestina ay may makakaharap din siyang panibagong peligro.

Balikan ang mga eksena sa unang pagtatagpo nina Celestina at Michael sa March 19 episode ng Dragon Lady.