TV

Scarlet vs Astrid | Ep. 34

By Bianca Geli

Maghaharap na sina Scarlet (Janine Gutierrez) at Astrid (Joyce Ching) at magbabaga ang init ng selos ni Astrid kay Scarlet.

Hindi naman magpapatalbog si Scarlet sa bago niyang negosyo at sa pagkuha ng atensyon ni Michael (Tom Rodriguez) at pati na rin ng ina ni Astrid na si Vera (Maricar de Mesa).

Balikan ang kanilang harapan sa April 11 episode ng Dragon Lady.