What's on TV

Kim De Leon, aprubado ng pamilya ang ka-online date

By Maine Aquino
Published July 27, 2020 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

 Kim De Leon in E Date Mo Si Idol


Masaya si Kim De Leon dahil aprubado ng kanyang pamilya ang naka-date niya sa 'E-Date Mo si Idol.'

Masayang masaya si Kim De Leon sa kanyang E-Date Mo si Idol experience kung saan naka-date niya ang searchee na si Joana.

Si Joana ay napili ni Kim na kanyang maka-date last July 23.

Sa kanilang date, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na kilalanin ang isa't isa. Binati rin ni Kim ang pamilya ng ni Joana na todo umano ang suporta sa dalaga sa kanilang online date.

Kim De Leon in E Date Mo Si Idol


Sa kanilang date, kinumusta ni Kim ang kalagayan ni Joana. Pinayuhan pa ng StarStruck Ultimate Male Survivor na maging thankful sa blessings na nakukuha kahit na mayroong kinakaharap na pagsubok.

Panoorin ang kanilang E-Date Mo Si Idol experience.

Sanya Lopez, nag-enjoy sa kanyang online date

Martin del Rosario, maghahatid ng regalo sa kanyang fan na naka-online date