TV

Sophie Albert, ibinahagi ang realizations habang naka-community quarantine

By Maine Aquino

Sa E-Date Mo Si Idol, nagkuwento si Sophie Albert ng kanyang mga realization habang naka-community quarantine.

Ayon kay Sophie, nakakapagod umano na wala siyang masyadong kausap kaya masaya siya dahil nakasama niya sa virtual date si Nelo.



"I'm so happy kasi nga wala akong kausap na ibang tao so I'm excited to talk to you. I'm excited to learn more about you. To learn more about someone else."

Dugtong pa ni Sophie, "Ang mga kasama ko lang sa house kasi ito si Ginger, and my mom. Nakakapagod rin pala kapag wala ka masyadong kausap."

Nagbahagi rin si Sophie ng kanyang realization tungkol sa pag-save ng oras. Ito ay kanya umanong napansin nang magsimula siyang mag-workout sa bahay.

"Feeling ko after ng quarantine. Feeling ko sa bahay na lang talaga magwo-workout kasi parang ang daming oras na nase-save 'pag sa bahay lang. Unlike 'pag nagwo-work out ako dati everyday sa gym, parang nauubos yung buong araw ko, wala akong na-a-achieve."

Dugtong pa ni Sophie, umaga niya dine-dedicate ang oras sa pagwo-workout.

"Morning ako kasi gusto ko kapag nagwo-workout ako, wala pa akong nakakain or else tamad na ako. Pag nakakain na ako tamad na ako e."

Panoorin ang episode na ito ng E-Date Mo Si Idol.


E-Date Mo Si Idol: ONLINE QUARANTINE DATE with Sophie Albert (August 13, 2020) | LIVE

E-Date Mo Si idol: Searchee no. 1, nagustuhan agad ni Sophie Albert!