TV

Ashley Ortega, magiging celebrity searcher ng 'E-Date Mo Si Idol'

By Maine Aquino

Ngayong August 27, si Ashley Ortega naman ang Kapuso celebrity searcher na mapapanood sa E-Date Mo Si Idol.

Ang dating episode host na si Ashley ay ang bagong celebrity na makaka-experience ng virtual date sa programa. Sa episode na ito makakasama niya naman si Anna Vicente na tatayo namang host for August 27.

Sa mga nais maka-date si Ashley, puntahan lamang ang Instagram page ng GMA Artist Center at sundin ang instructions para makasali sa sa E-Date Mo Si Idol.


Panoorin ang episode na ito live ngayong August 27 at 8:00 p.m. sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.

E-Date Mo Si Idol: Girl from Germany, napiling maka-online date ni Vince Crisostomo!

E-Date Mo Si idol: Sophie Albert, EXCITED na makilala nang husto ang kanyang ka-e-date!