
Aminado ang former child star at first-time mom na si Trina Legaspi-Jarina na in-underestimate niya ang mararanasan niyang puyat bilang isang nanay.
Ipinanganak ni Mommy Hopia si Baby Kaela noong Marso.
Sa guesting ni Trina sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga ngayong Sabado (May 13), ibinahagi niya ang ilang challenges sa pag-aalaga sa kaniyang anak.
Kuwento nito, “In-underestimate ko talaga e, kasi iba 'yung puyat nung nagti-taping sa puyat ng pagiging ina talaga, as in puyat is real. Talagang walang tulog, pero napaka-fulfilling kasi ano rin ako e, breastfeeding. Yes, exclusively breastfeeding.”
Source: Eat Bulaga (YT)
Wala rin daw silang yaya ng kaniyang mister na si Ryan at gusto nilang mag-asawa na hands-on sa kanilang supling.
Lahad niya, “Very hands on din kami as parents kasi wala rin kaming yaya.”
“Kami kasi gusto namin hands on lang talaga kami or ewan ko medyo praning kasi ako as mom… Lahat kasi, kahit lumalabas ako 'yung isip ko nasa baby ko ganiyan. So, gusto ko ako talaga. Kami talagang dalawa talaga ang hands on. Tsaka, sabi ko gusto ko i-cherish e.
“Kasi, ibang season naman 'to talaga and habang baby pa sila, gusto ko namnamin 'yung every moment na magkasama kami, kahit maliit pa siya.”
Nagpaabot din si Mommy Trina ng sweet message para kay Kaela. Sabi niya, “Siyempre kay Kaela, love na love ka namin ng daddy mo. And siyempre, pinagpi-pray namin kay Lord na maging mabuti kang anak talaga. And kami talaga nakasuporta kami sa' yo, aalagaan ka namin, poprotektahan ka namin.”
Dalawang beses ikinasal si Trina kay Ryan, una noong 2021 at sumunod nitong November 2022.
MEET THESE CELEBRITY MOMS WHO ARE LOOKING FORWARD TO CELEBRATE MOTHER'S DAY FOR THE FIRST TIME HERE: