GMA Logo Paolo Contis
What's on TV

New look ni Paolo Contis, nagpakilig sa netizens

By Jimboy Napoles
Published November 10, 2023 8:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Anong masasabi n'yo sa look ni Paolo Contis?

Kinakikiligan ngayon ng netizens ang new look ng Eat Bulaga host na si Paolo Contis.

Simula nitong Huwebes, isang fresh at new look na Paolo ang napapanood sa nasabing noontime show dahil sa kanyang bagong ash blonde colored hair.

Ibinahagi naman ng TAPE sa kanilang Facebook page ang larawan ni Paolo kung saan inulan ito ng maraming positibong komento mula sa netizens.

“Ang gwapo mo Pao. Dito ka na maghapunan sa bahay,” nakatutuwang komento ng isang netizen.

“Wow! Nice hair Pao para kang 18 yrs old diyan,” dagdag pa ng isang fan.

“Why so handsome po kuya Paolo?” kinikilig na komento ng isa pang netizen.

RELATED GALLERY: Paolo Contis's career milestones that define his success as an artist

Samantala, fresh mula sa matagumpay nilang pagsasama sa pelikula ni Joross Gamboa na Ang Pangarap Kong Oskars, inaabangan na rin ng fans ni Paolo ang reunion project nila ng kanyang dating Tabing-Ilog co-stars na sina Kaye Abad, at Patrick Garcia.

Tumutok naman sa Eat Bulaga kasama si Paolo Contis at iba pang Kapuso stars, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Inside link:

https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/eat_bulaga/home/