TV

Kim Domingo reveals she joined Eat Bulaga's Little Miss Philippines 2000 and placed 4th Runner-up

By Bea Rodriguez

Alam n'yo bang matagal na palang sumabak sa showbiz si Asia’s Fantasy Kim Domingo bago pa man siya madiskubre bilang Internet sensation noong 2015?
 
Bunyag ng aktres sa GMANetwork.com, “Dati kasi, noong bata ako nagte-taping na ako. Nag-Little Miss Philippines ako, 4th Runner-up, year 2000.”
 
Hindi raw siya pinalad sa sinalihang kumpetisyon sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, “Tisay from Bicol ang nanalo noong batch ko sa Eat Bulaga.”
 
Excited si Kim na muling makasama ang dabarkads if ever mangyari man ang reunion, “Hindi pa nga po ako nakakapag-guest eh. Sana nga matuloy [kasi] laging nauudlot sa schedule ko eh.”
 
Kung saan-saang shows na pala ume-extra si Kim mula pagkabata hanggang tumapak na siya ng high school.

Bunyag ng kanyang Super Ma’am co-star at dating child star na si Isabelle de Leon, “Actually, kasama ko na si Kim dati sa Munting Anghel na show ng GMA. Mga six years old pa lang kami noon. Hindi ko rin alam actually until sinabi niya sa akin na nagkasama na [kami] before.”
 
Sa acting workshop daw sila muling nag-usap, “Nagulat din ako na nagkasama na pala kami way back. Small world, magkatrabaho kami ulit [so] okay naman ‘yung working relationship, mas kumportable.”
 
Abangan sina Kim at Isabelle bilang kampon ng mga Tamawo sa bagong telefantasya ng GMA na Super Ma’am ngayong September 18.