TV

LOOK: Joey de Leon marries longtime partner Eileen Macapagal

By Jansen Ramos

Matapos ang ilang taong pagsasama, ikinasal na ang Eat Bulaga Dabarkad at Henyo Master na si Joey de Leon sa kanyang longtime partner na si Eileen Macapagal kahapon, March 19, sa isang initimate ceremony sa Supreme Court sa Maynila.

#35YearsInTheMaking: The wedding of Joey De Leon and Eileen Macapagal


Dinaluhan ito ng kanilang mga kaanak at malalapit na kaibigan sa industriya, gayundin ng Eat Bulaga Dabarkads.


Nagbunga ang pagmamahalan nina Joey at Eileen ng tatlong supling na sina Jako, Jocas at Jio. Nauna nang ikinasal ang TV host sa aktres na si Daria Ramirez at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Cheenee at Keempee.

IN PHOTOS: The accomplished children of Joey de Leon