TV

WATCH: Alden Richards, bibida kasama si Tirso Cruz III sa Lenten Special ng 'Eat Bulaga'

By Bea Rodriguez

Mapapanood natin si Pambansang Bae Alden Richards at ang veteran actor na si Tirso Cruz III bilang mag-ama sa Eat Bulaga Lenten Special ngayong Semana Santa.

“Story siya ng ama na nag-abroad [at] ‘di nakauwi ng graduation. Architect ‘yung anak [niya] ta’s naaksidente. Abangan po nila iyan. Maraming maganda. Actually, ‘di lang po iyan, lahat ng episodes namin ngayon is kakaiba, and most of it [are] based on true stories,” kuwento ng Kapuso star sa report ni Lhar Santiago sa Balitanghali.

Bukod sa drama episode ng aktor, magpapasaya naman siya sa ating mga Kapuso sa Amerika at Canada kasama sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Betong Sumaya.

“Abangan niyo po kami diyan dahil magpapasaya po kami ng mga Kapuso diyan sa Sikat Ka Kapuso 2nd leg,” pagtatapos niya.