TV

LOOK: Ryzza Mae Dizon, napa-reminisce sa kanyang pag-level-up sa 'Eat Bulaga'

By Cherry Sun

Napa-reminisce si Ryzza Mae Dizon kung paano siya nag-level-up sa Eat Bulaga.

Isang throwback photo ang ibinahagi ni Aling Maliit sa kanyang Instagram account. Dito mapapansin kung ano ang pinagbago ng batang dabarkad.

Aniya, “’Yung dating clapper lang tapos ngayon Boss Madam na po.”

 

Hindi naman natiis ni Maine Mendoza na magkomento sa lumang litrato ni Ryzza Mae.

“Napaka-cute mo, langgam ang peg! Hahaha,” wika ng Philippine DubSmash Queen.