TV

WATCH: First horror telemovie ng 'Eat Bulaga,' nangunguna sa YouTube trends

By Cherry Sun

Trending at number one ngayon sa YouTube ang Pamana, ang unang horror telemovie ng Eat Bulaga.

Nasa top spot ngayon ang pelikulang dinirek ni Jose Manalo para sa longest-running noontime show. Dito ay nakasama rin niyang umarte ang kanyang kapwa barangay jokers at Sugod Bahay gang na binubuo nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Maine Mendoza.

As of writing, ang telemovie ay mayroon nang at least 1,112,475 views.