TV

WATCH: Maine Mendoza, stage mom sa 'Hype Kang Bata Ka' grand winner

By Cherry Sun

Nitong Sabado, October 20 ay naganap ang 'Hype Kang Bata Ka' Grand Showdown sa Eat Bulaga, at hindi napigilan ni Maine Mendoza na ilabas ang kanyang pagiging stage mom lalo na nang manalo bilang grand winner ang inaalagaan niyang si Moses Gozun.

Nakunan ng litrato ng isang netizen na may handle na @HeyyAndie sa Twitter ang naging reaksyon ni Maine nang malamang si Moses ang nagwagi. “Proud mudra” pa nga raw kung maituturing ang Phenomenal DubSmash Queen.

“Feeling ko ina niya ako. Congratulations, Moses! Ang galing galing niyo ni Sage,” sambit ni Maine.

Nagbigay rin siya ng mensahe para kay Moses.

Aniya, “Super proud kami sa'yo. Alam ko, sigurado ako dyan na malayo pa ang mararating mo pero sana wag kang makalimot pag naging super successful ka na. If ever makilala ka all over the world, sana di mo kami makalimutan ni Ma'am Allan (K) na once naging momnager mo sa 'Hype Kang Bata Ka.' Congratulations, deserve mo 'yan.”